Obama nangako kay P-Noy na muling pag-aaralan ang pagpapalabas ng travel advisories sa bansa

NANGAKO si US President Barack Obama kay Pangulong Benigno Aquino na pag-aaralang muli nila ang ipinalabas na travel advisories kung saan nagbigay sila ng babala na mapanganib ang magtungo sa Pilipinas dahil sa posible umanong pag-atake ng mga terorista.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III, nangako si  Obama  na rerebisahin niya ang pagpapalabas ng warning advisory nang magkita sila sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Yokohama, Japan.

“Nabanggit natin kay President Obama iyong ating mga agam-agam sa mga travel advisory na nagmula sa Estados Unidos at ipinangako naman niya na titingnan po at humingi rin po ng pang-unawa doon sa mga nata-target, sa kanilang mga mamamayan,” ayon sa Pangulo sa isang Malacañang statement.

Nangako rin si Canadian Prime Minister Stephen Harper na muli nilang pag-aaralan ang procedure ng Canada sa pagpapalabas ng travel advisories sa bansa.

Matatandaang nagpalabas ng travel advisory ang US, Canada, France, United Kingdom, Australia na nagbababala ng pag-atake ng mga terorista sa Pilipinas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply