Obrero binoga sa inuman

NAMATAY mismo sa pinangyarihan ang isang obrero matapos patraydor na barilin ng hindi nakilalang lalaki habang ito ay nakikipag-inuman sa mga kaibigan, kamakalawa ng gabi, sa Tonsuya, Malabon City .

Ang biktima na agad binawian ng buhay ay nakilalang si Melvin Sungahid, 29, ng Blk. 6, Lot 14, Flovi 2, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Edsel dela Paz, naganap ang insidente dakong 11:00 ng gabi sa naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang suspek na armado ng .45 na baril.

Walang sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi natukoy na direksiyon habang si Sungahid naman ay naiwang walang buhay.

Nakakuha ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng Northern Police District (NPD) ng dalawang basyo ng bala sa pinangyarihan. Roger Panizal

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply