OFW, napaanak sa CR ng NAIA

NANGANAK sa comfort room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na papunta sanang Taiwan.

Ayon sa isa sa mga rumespondeng doktor na si Dr. Caridad Noas, inabutan nilang nakaupo sa loob ng CR ang OFW at sapu-sapo ang sanggol na hindi pa napuputol ang pusod.

Malusog aniya ang sanggol na babae na tumitimbang ng 8 pounds na agad tinurnover sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos mapag-alamang single pa ang nanganak na OFW.

Lumilitaw na naitago ng OFW ang kaniyang kondisyon kaya nakalusot na makapagpa-book para bumiyahe.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply