OFW sa Dubai, baon sa bayarin dahil sa anak

LUNGKOT at pangamba ang pumalit sa tuwang naramdaman ni Ricter Calixto, 32, isang overseas Filipino worker sa Middle East.

Bagamat naisilang na ni Analisa, misis ni Calixto, ang una nilang baby na si Ric Andrei, nabaon naman sa hospital bills ang mag-asawa dahil kinakailangang mamalagi ng sanggol sa Welcare Hospital sa Dubai.

Ayon sa ulat ng gulfnews.com, dapat ay sa Enero 2011 pa manganganak si Analisa. Ngunit maaga siyang naisugod sa ospital nitong Nobyembre sa ika 31-linggo niyang pagbubuntis.

Nakaramdam kasi siya ng pagkahilo. Sumuka rin si Analisa at nakaranas ng temporary blindness at pregnancy-induced hypertension. Ito ay mga tanda ng severe form ng pre-eclampsia.

Upang makahinga ng maayos, ikinunekta si Ric Andrei, na ay may bigat lamang na 1.6 kilograms, sa isang breathing machine.

Sumasailalim ang sanggol ngayon sa treatment na tinatawag na photo-therapy.

Ayon pa sa ulat, sa loob pa lamang ng apat na araw ay lumobo na sa Dh 71,000 (P 844,648) ang hospital bills na babayaran ni Calixto matapos ang C-section delivery ng anak niya.

Nangangambang makulong si Calixto na mula sa Zambales province. Baka di niya mabayaran ang malaking halaga dahil kulang pa sa Dh 5,000 ang kinikita niya bilang salesman sa Dubai.

Tinataya ni Calixto na maaaring umabot sa Dh 250,000 (P 2,974,113) ang babayaran niya depende kung paano magresponde ang sanggol sa therapy.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply