oFws na namatay sa Japan, pinangalanan na

PINANGALANAN na ang anim na overseas Filipino workers na namatay sa isang road accident sa Japan noong nakaraang linggo.

Ayon sa report ng dzBB’s, kinilala ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) head Carmelita Dimzon ang mga namatay na sina Randy Bayron Cornel,   Alma Dula Adarlo,   Remedios Bertoldo Cargullo,  Ceferino Salengua Pedro Jr.,  Mabini Bangi Paler III,  Analou Pater Dogami.

Napag-alamang papasok ang mga biktima  sa pinagtatrabahuhang factory lulan ng isang minibus nang bungguin ang kanilang sasakyan ng isang truck sa Kameyama, Mie Prefecture.

“Twenty-two others were injured, including two drivers. Ten of them are in serious condition, police said,” batay sa Department of Foreign Affairs sa isang article na inilathala sa kanilang website.

Ayon kay Philippine Consul General Maria Lourdes Lopez , lima sa biktima ay agad na binawian ng buhay habang ang isa naman ay naisugod pa sa hospital.

Napag-alamang 27  katao ang lulan ng naturang minibus na pag-aari ng temporary staffing service.

Nabatid pa sa DFA na  nilalapatan na ng lunas sa  hospital ang mga nasugatan pang Pinoy kung saan tinutulungan ang mga ito ng Consulate General staff members.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply