OFWs sa Palau, inaasahang mas dumami pa

INAASAHANG mas maraming Pilipino ang mamamasukan sa Palau kung maisasabatas ang isang panukala roon ni Senator Alfonso Diaz.

Kamaikailan, ibinalita ng Marianas Variety na nagmungkahi si Diaz sa Palau Senate na isabatas ang panukala niya na babaan ang income requirements ng foreign workers na nagnanais na dalhin ang kanilang mga dependent sa nasabing island-nation.

Ani Diaz, kapag naisabatas na ito, tiyak na mas maraming mamamasukang foreign workers sa Palau at tataas din ang state revenue dahil mas lalaki ang tax base ng bansa.

Ayon sa estimate ng senador, mga 2,000 hanggang 3,000 pang dependents ng foreign workers ang makakapunta ng Palau pag naging batas ang panukala.

Ayon sa huling tala ng Commission on Filipinos Overseas, may 4,672 Pilipino ang nasa Palau; 21 sa kanila ang permanente na roon; 4,251 ang temporary; at 400 ang irregular. Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply