Oil firms nanloko sa oil price hike

Kinalampag ng isang mambabatas ang Department of Energy (DOE) na bantayan ang mga kumpanya ng langis dahil sa pag-abuso at pagsasamantala sa taumbayan.

Inihayag ni Ang Kasangga Rep. Teodorico Haresco na niloloko lamang ng mga kumpanya ng langis ang taumbayan dahil sa napaulat na 59 porsiyentong inilobo sa kita ng Petron mula Enero hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Kasunod ito ng panibagong bugso ng pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo sa katuwirang nalulugi na umano ang mga kumpanay ng petrolyo.

“Which is which? Are they really absorbing losses and that’s why they are increasing oil prices or are they raking in profits? These oil companies are becoming too inconsistent. Halatang niloloko na tayo ng mga ito,” ayon kay Haresco.

Hindi aniya makatao ang ginagawa ng mga kumpanya ng langis na patuloy na nagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto ngunit sa kabilang banda ay iniuulat na hindi naman sila nalulugi kundi kumikita pa.

“This is unconscionable. These oil firms still have the gall to announce that they are making so much profit while they continue to squeeze our people dry,”  dagdag ng mambabatas. (Meliza Maluntag)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply