ON ALERT!

Kuha ni Crismon Heramis

HIGIT na paiigtingin ang seguridad sa Light Rail Transit (LRT) kaugnay nang kabi-kabilang travel advisory ng ibang bansa sa pagbiyahe sa Pilipinas.

Sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na karaniwan na silang naghihigpit lalo kung dumarating ang kapaskuhan.

Bukod sa pagdaragdag ng mga empleyado na magbabantay sa iba’t ibang LRT station, hihingi na rin ng dagdag na puwersa ang LRTA mula sa Philippine National Police (PNP).

Kasabay nito, umapela si Cabrera sa mga commuter na kung maiiwasan na huwag nang magdala ng mga bagahe na selyado o mga regalo, dahil tiyak na kanilang pabubuksan.

Paiigtingin din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa mga pantalan sa harap na rin ng posibleng banta ng terorismo.

Sinabi ni PCG Spokesperson Lt. Comm. Armand Balilo na nagpulong na ang pamunuan ng PCG kaugnay sa mga gagawing paghahanda upang matiyak na hindi makakalusot ang mga terorista sa mga pantalan at mga barko. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply