P-Noy balik bansa na, Pacquiao pinapurihan

KASABAY ng pagbalik ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa bansa mula sa kaniyang apat na araw na pagbisita sa Japan para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit, agad niyang pinapurihan si People’s Champ at boxing eight division Champion Manny Pacquiao sa kanyang pagkakapanalo laban kay Antonio Margarito.

Dumating ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-431 kaninang tanghali.

Sa kaniyang arrival speech, binati agad ng Pangulo si Pacquiao sa panalo nito laban kay Antonio Margarito ng Mexico.

Ayon sa Pangulo, nagbubunyi ang sambayanang Pilipino dahil sa panalo ni Pacquiao.

Idinetalye naman ng Pangulo ang papasok ng investment sa bansa mula sa kaniyang pakikipag-usap sa tatlong malaking kumpanya sa Japan.

Inihayag ng Pangulo na nagkakahalaga ang investment ng $2.85 bilyon na sesentro sa Ethanol Project sa Isabela kung saan 15, 000 bagong trabaho ang madaragdag gayundin sa energy expansion project para maibsan ang kakulangan sa suplay ng kuryente.

Nabanggit pa ng Pangulo na nakaumang na ang $2.26 bilyon na halaga ng proyekto bagama’t nasa final stages pa gayundin ang nasa planning stage na proyekto sa patubig.

Samantala, binanggit din dito ng Pangulo na mananatiling stylist niya si Liz Uy sa likod na rin ng mga ulat na nagde-date ang dalawa.

Sa kabila ng kaniyang apela sa media na ibalato na lamang sa kaniya ang usapin ng kaniyang love life, sinagot pa rin ng Pangulo ang mga tanong ukol dito.

Sinabi ng Pangulo na mananatili niyang stylist si Uy at sigurado siyang laging naroroon ito para siya tulungan sa kaniyang porma at pananamit gaya nina Paul Cabral, JC Buendia at kaniyang kapatid na si Kris Aquino.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply