PNoy, di lalansagin ang private armies

NEGATIBO ang naging tugon ni Presidente Benigno Aquino III sa mga panawagang lansagin na ang private armies sa bansa na kadalasa’y nagiging galamay ng mga lokal na pulitiko.

Ani Aquino, hindi “proper solution” sa problema sa seguridad ng bansa ang paglalansag ng paramilitary units, lalong lalo na ngayon na may kakulangan sa bilang ng mga awtoridad. Aniya, ang nararapat ay ma-professionalize sila at tumaas ang kanilang accountability.

“Yung kapulisan, kasundaluhan natin di na dumami mula noong EDSA(People Power Revolution ng 1986) eh iyong population natin halos dumoble. So iyong pagbabantay nitong security forces natin sa population bumaba dahil mas marami silang binabantayan,” ani Aquino  sa isang press conference nitong Martes sa Laguna.

Anang Pangulo, inutusan na niya ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na i-update ang manual at operating procedures para sa militia forces. “Gusto kong may accountability itong mga namamahala at siguraduhin na mai-insulate from political forces in their respective areas.”

“Kung sila ho maghahasik ng lagim sila rin po ang mananagot sa ilalim ng ating batas,” dagdag pa niya.

Samantala, umani ng batikos ang pahayag ni Aquino. Kinuwestiyon ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang sinseridad ng Aquino administration sa pagresolba ng Maguindanao massacre na kumitil sa may 57 katao kabilang ang 32 mamamahayag.

Anang Bayan, dapat na pagtuunan ng pansin ni Aquino ang matagal nang suliranin ng warlordismo at ang patuloy na pag-iral ng culture of violence sa mga probinsiyang pinamumunuan ng malalaki at maiimpluwensiyang political clans.

“To be able to do so, P-Noy must start cleaning his own backyard by dismantling paramilitary groups…The continuing inaction of the government over private armies, CVOs, and CAFGUs is a grave insult to the(massacre)  victims and to the Filipino people’s crusade for justice,” anang Bayan.

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply