P-Noy nagsuot ng black armband sa paggunita ng Maguindanao massacre anniversary

NAKIISA sa paggunita si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III  sa  unang anibersaryo ng Maguindanao massacre kung saan naglagay ito ng black armband.

Sa kaniyang pagdalo sa 3rd Annual Convention Regional Tripartite Industrial Peace Council sa Calamba City, Laguna, nakasuot ng black armband si Pangulong Aquino bilang pakikiisa at pakikidalamhati sa pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Pangulo, nakikisimpatiya siya sa labis na pang-aaping sinapit ng mga biktima at kanilang pamilya kasabay ng pagtiyak na tuluy-tuloy ang pagtugis sa mga nalalabing suspek sa krimen.

Wala namang plano ang Pangulo na alisin ang State of Emergency sa Maguindanao habang hindi pa nahuhuli lahat ang mga suspek sa masaker at nababawi ang mga loose firearms sa lalawigan.

Nakiisa rin sa paggunita ng masaker ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps sa pamamagitan ng pagsuot ng itim na t-shirt.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply