P-Noy no show sa puntod ng mga magulang

DAAN-DAANG taga-suporta ang dumalaw sa puntod ng dating Pangulong Cory at dating Senador Ninoy Aquino upang magbigay respeto sa kanilang libingan kahapon sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Sinabi ni Bert Peña, officer-in-charge ng himlayan, simula pa kahapon ay dumagsa na  ang pasok ng mga taong dumadalaw sa sementeryo, karamihan ay nagtutungo sa puntod ng prominenteng personalidad, kabilang ang libingan nina dating Senador Ninoy at dating Pangulong Cory Aquino at nag-alay ng bulaklak sa puntod.

Naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine National Police, katulong ang mga civic groups, boy scouts at mga barangay tanod sa paligid ng puntod ng dating Pangulong Cory at Sen. Ninoy Aquino.

Sa kabilang dako, nanawagan si Pangulong Noynoy Aquino sa kanilang mga taga-suporta na mabigyan sila ng kaunting oras para makapagdasal ng  maayos, magunita ang mga magulang, magkaroon ng pribadong oras sa sementeryo sa puntod ng mga magulang kaya ngayon (Nov.2) na lamang sila dadalaw

Ayon sa  Pangulo, maraming tao kapag Nov. 1, sa sementeryo kaya tiyak na siksikan at hindi sila magkakaroon ng oras para makapagdasal.

Naging normal naman ang seguridad sa Memorial Park dahil may abiso na Nobyembre 2, pa pupunta ang Pangulo.

Kabilang pa sa mga nakalibing sa nasabing himlayan sina Helen Vela (TV personality); Rene Requiestas (actor); Charito Solis (actress); Eddie Peregrina (singer, 70’s matinee idol); Ike Lozada (actor); Rico Yan (actor); Dindo Fernando (actor), Inday Badiday (TV personality), Teodoro “Ka Doroy” Valencia (journalist); Baron Cervantez (military); Pablo Cuneta (politician); Rolando Galman;Gabriel “Flash” Elorde (boxer), Panfilo Villaruel (military); Robert Barbers (politician); Ruby Rose Barrameda at Sotero Laurel (politician).  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply