P1.6-T budget lusot

IKINAGULAT ng mga mambabatas ang pagpasa ng P1.645-trilyon General Appropriations Act para sa taong 2011.

Noong Lunes, pagbukas muli ng regular na sesyon ng Kamara ay ipinasa sa botong 175 ang badyet sa susunod na taon para sa ikatlo at huling pagbasa ng walang nabagong probisyon o amyenda na isinulong ng mga mambabatas. Umabot lamang sa 21 ang tumutuol dito.

Tahasang sinabi ni Deputy Minority Leader Danilo Suarez na brusko ang pagkakapasa ng budget.

Umaasa naman ang oposisyon na matutugunan sa Senado ang mga pagbabagong hinahangad ng Kamara, kabilang ang pagbabawas sa P21.194-bilyon conditional cash transfer (CCT) o cash dole-out sa ilalim ng Social Welfare and Development Sec. Corazon “Dinky” Soliman.      M. Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply