P1 bilyon ire-refund sa water consumers

MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng P1-bilyon refund sa mga kostumer ng tubig matapos magdesisyon ang pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) na repasuhain ang rate rebasing scheme (RRS), na kasalukuyang ipinatutupad ng mga private water distribution concessionaires sa Metro Manila.

Tinatayang nasa P1 bilyon ang posibleng i-refund mula sa ipinataw na water charges.

Sa pagdinig ng House committee on good government, sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na dapat ding pagbawalan ang dalawang water concessionaire na makapag-adjust ng kanilang water rates hanggang 2016 matapos mabiyayaan ng 25-year extension ang mga ito.

Pumayag ang mga opisyal ng MWSS-RO, na pinamumunuan nina Manuel Quizon at Melchor Acosta, sa hinihingi ni Herrera-Dy na review sa RRS, na umano’y nagresulta sa 700 porsiyentong increase sa water rates sa loob ng sampung taon.

Sinabi ni Herrera-Dy na dahil sa RRS, nagawa umano ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Corp. na makakolekta ng bayad para sa water supply improvement projects ng dalawang kompanya. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply