P18.5-B LLDA project sinopla ni Guingona

INIHAYAG  ng isang senador na hindi dapat sisihin ng Kilusang Lawa Kalikasan (KLK) ang Senado kung bakit hindi itinuloy ang P18.5 bilyong dredging project ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) dahil mismong Office of the President ang nagbasura sa proyekto.

Ganito ang tugon ni Sen. Teofisto Guingona Jr., matapos isantabi ang imbestigasyon sa naturang proyekto dahil itinigil ng Palasyo ang proyekto taliwas sa ibinibintang ng KLK na Senado ang siyang nagpapaantala sa proyekto.

Ayon kay Guingona, aktibo ang KLK sa pangangampanya upang maituloy ang proyekto na bumabatikos sa kanya dahil sa nakatakdang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sa proyekto na hinihinalang may anomalya.

Aniya, hindi na dapat manghimutok ang naturang organisasyon na maantala ang pagpapatupad ng proyekto dulot ng nakatakda sanang imbestigasyon ng Senado dahil  mismong Office of the President ang nagpatigil dito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply