P2-B ‘pork’ ni GMA idinepensa ni Lacierda

“NOTHING irregular.”

Ito ang tugon ng Malakanyang sa ulat na mahigit P2 bilyon ang pondo para sa distrito ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay kongresista ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na dapat pinupulitika ang mahigit na P2-bilyon pondo na nakalaan para sa distrito ni Arroyo.

Magugunitang kinukuwestiyon ngayon ang nasabing budget allocation at nasisi pa ang Pangulong Aquino sa pagtrato umano bilang “sacred cow” kay Rep. Arroyo.

Ani Lacierda, walang iregular sa nasabing pondo dahil nakalaan ito para sa flood control at para ma-drain ang baha sa Pampanga.

Matagal na aniya itong na-negotiate at dumaan sa pagbusisi ng mga eksperto.

Siniguro naman ng opisyal na magiging transparent at maayos ang pagpapatupad ng nasabing proyekto. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply