P300 padulas kailangan ng LRA/RD Meycauayan

Kung kailan daw naging computerized ang tanggapan ng Land Registration Authority-Register of Deeds sa Meycauyan, Bulacan ay naging mas mabagal ang pagre-release ng mga taga-riyan ng mga dokumento.

Anong klaseng ahensiya ito?  Alam kaya ni DOJ Sec. Leila de Lima ang nangyayari riyan? Pakibusisi nga Madam Leila kung ano ang pinaggagagawa ng mga tao ninyo.

Basahin natin ang reklamo sa text message.

Gudam. Irereklamo ko ang mga taga-LRA/RD ng Meycauyan dahil kung kailan naging computerized ito ay naging mas mabagal ang pagre-release nila ng mga dokumento gaya ng CTC at iba pa.

Mantakin ninyo, 2 weeks na ay hindi pa rin nila mai-re-lease ang isang dokumento. Pero kung gusto mong mapabilis ay maglalagay  o magbi-gay ka ng P300. One day lang ay maire-release na kaagad ang pinalalakad mo.

GRABENG MANGOTONG SA SUGALAN

Kinatatakutan sa Eastern District ng Metro Manila itong tong-collector sa mga iligal na pasugalan na si Raymund Santos ng CIDG at IG-PNP. Ibang klase ang mamang ito, sa halip na manguna si Santos sa paghuli sa mga iligal na pasugalan sa nasabing distrito ay siya pang nangunguna na nagto-tole-rate sa mga sugalan kapalit ng lingguhang intelihensiyang  hinihingi nito sa mga gambling operator.

ANG BOOKIES SA PASAY OPEN ULIT

Sa Pasay City, ang bagong kapitalista ng bookies ng karera at iba pa ay itong si Frankie Jo.

Malakas ang mamang ito dahil sa malaki ang payola na ibinibigay nito sa kapulisan ng Pasay City.

Totoo ba ito, Pasay City COP Supt. Napoleon Cuaton? Aba, colonel, huwag kayong magtanga-tangahan diyan!!!

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply