Posibleng umabot sa P400M: P383M grand lotto jackpot bigo pa ring mabingwit

WALA pang nakakabingwit ng halagang P383,405,234.40 na papanalunan sa 6/55 Grand Lotto Draw  na  umabot na ng anim na buwan  at posibleng umabot sa P400 milyon ang jackpot prize  sa darating na Sabado.

Ayon sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO, ito na ang pinakamalaking halagang mapapanalunan sa kasaysayan nang naturang palaro.

Maging ang mga opisyales ng Malakanyang ay nangangarap din na makamit ang naturang halaga kabilang na rito si Presidente Benigno Aquino III, na umaming hindi marunong tumaya ng lotto ngunit nangangarap ding mapasakamay niya ang naturang halaga.

Ayon sa ambush interview sa Cebu City kay Presidente Aquino bago ang pagbola sa laro noong Miyerkules,  hindi umano siya marunong maglaro ng lotto game.

“No. no (I don’t bet). I don’t know how to play the system actually,” ayon sa Pangulo.

Inamin naman nina Senador Vicente Sotto III, Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Ramon Revilla at Ralph Recto na maging sila ay bumili rin sila ng Lotto tickets para sa 6/55 grand lotto draw noong Miyerkules kung saan umasa rin silang makamit ang grand prize.

Inaasahan namang lalagpas sa 400M ang jackpot prize sa susunod na draw ng naturang laro,  ayon kay Aries de Ocampo, hepe ng draw division ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang naturang laro ay nagsimula noong Mayo May 15, 2010 na nagsimula lamang sa  minimum jackpot price na P300 milyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply