P423-M jackpot sa 6/55 Grand Lotto, bigo pa ring mapanalunan

BIGO pa ring mapanalunan ang mahigit na P423 milyon na jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto.

Ayon kay Arnel Casas, manager ng Central Operations Department ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakakuha ng kombinasyon na 3-31-34-13-48-11 sa bolahang ginanap kagabi na may jackpot prize na P423,894,967.20.

Tinatayang papalo sa P450 milyon ang jackpot sa bolahan ng 6/55 Grand Lotto bukas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply