P456-M lotto jackpot wala pa ring nakakaswerte

Wala pa ring nakakasungkit ng tumataginting na P456.40 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55  ng Philippine Charity Sweepstakes.

Sa kabila ng napakaraming pumipila at tumataya sa lotto outlet stations sa buong bansa, mailap pa rin ang swerte sa huling bola nitong Lunes, Nobyembre 15, kung saan lumabas sa lotto draw ang kumbinasyong 43-13-29-44-04-20.

Ang kabuuang jackpot sa kasalukuyan ay pumalo na sa halagang P456, 404, 688.  Ang Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. (Santi Celario)

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply