P741-M Lotto jackpot nasungkit na!

SA WAKAS, nasungkit na ang tumataginting na P741 milyong Grand Lotto jackpot, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Isang bettor lang ang nanalo ng jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi.

Nahulaan ng mapalad na bettor ang winning numbers na 11-16-42- 47-31-37.

Di pinangalanan ang jackpot winner na nagwagi ng kabuuang P741,176,323.20 na ipagkakaloob ng tax-free at sa isang bigayan lang.

Ito ang pinakamalaking lotto jackpot sa kasaysayan ng lotto draw sa Pilipinas ayon sa PCSO.

Walampu’t anim na beses nagkaroon ng draw bago nasungkit ang first prize.

Samantala, 53 bettors ang pawang mga nanalo ng second prize matapos nilang mahulaan ang lima sa anim na lotto numbers na lumabas sa bolahan.

May 39,674 naman ang nanalo ng third prize matapos nilang mahulaan ang apat na tamang numero at 99,541 naman ang nagwagi ng fourth prize.

Iisyuhan ng tseke ang mga nanalo. Maaari nilang ideposito sa bangko o i-encash ang tseke.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply