Pacman gagamitin na rin sa peacetalk

GAGAMITIN ng Malakanyang ang pagiging mambabatas ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao para lalo pang umusad at maging matagumpay ang usapng pangkapayapaan sa pagitan ng rebeldeng  grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan at hindi para maging third party facilitator gaya ng bansang Malaysia.

Ayon kay Pangulong Benigno Aquino III,  ang anumang pagbabago sa batas para sa matagumpay na usapang pangkapayapaan na maaaring gawin ni Pacman bilang isang Cong. Pacquiao ang inaasahan namang tulong ng Malakanyang mula rito.

“Doon naman sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao, naitalaga na natin ‘yung ating mga peace panel members. Umuusad maski papaano po at pinabibilis ang paglunsad ng ating pakikipag-usap sa kanila at bilang kongresista, kung meron mang pagbabago sa ating mga batas para magbigay ng tuloy na kumpyansa sa atin pong mga kaharap sa MILF, amongst others, ay palagay ko gagawin po ni Manny ‘yan at ‘yung kanilang lugar po ay hindi naman nalalayo doon sa kung minsan ay nagkakaroon ng karanasan,” ayon sa Chief Executive.

Sa ulat, nagmatigas  ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi ito haharap sa anumang “proposed meeting” ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) kung wala ang presensiya ng third country facilitator. (Kris Jose)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply