Pacman hinamon ulit ni Mosley

Mistulang aso na naman na kumakahol si dating world champ Shane Mosley kay Manny Pacquiao na nagpahiwatig na nais niya itong labanan.

Ayon sa 39-anyos na si Mosley, nilalakad niya nang mag-isa ang laban dahil parang hindi interesado sa kanya ang Top Rank Promotions.

“I’m conducting business myself,” wika ni Mosley. “If I have to wait for these others, I’m not going to get the fight I want.”

Si Mosley na may kartadang 46-6-1, 39 knockouts ay nagpahayag na sinabi na siya ni Arum na ikukonsidera siya kay Pacquiao o kaya naman ikasa ang rematch laban kay Miguel Cotto.

Subalit binigyang diin naman ni Arum na wala pa siyang balak na itapat sa ngayon si Pacman sa mga mas malaking katunggali sa ring ngunit hindi niya itinangging maaaring itapat niya si Mosley sa 8-time world champ.

“There’s no one in first place right now after Floyd,” ayon kay Arum. “We have a birthday party Dec. 17 in the Philippines for Manny. If Mayweather hasn’t indicated his availability by then, Shane Mosley is a real possibility.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply