Pacman isusunod ni Marquez

ISUSUNOD na umano ni WBO/WBA lightweight champion Juan Manuel Marquez (52-5-1, 37 KOs) ang Pambansang Kamao na si Manny Pacman Pacquiao matapos niyang masikwat ang korona sa pamamagitan ng TKO sa ninth round sa laban nito kontra kay interim champ Michael Katsidis (27-3, 22 KOs) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Si Katsidis ay nakipagsabayan kay Marquez na isang counter puncher ngunit hindi ito umubra.

Unang napabagsak ni Katsidis si Marquez sa round three sa pamamagitan ng left hook sa panga.

Gayunman, sa mga sumunod na round ay naging maaksiyon nang magbalik ang lakas ni Marquez.

Inawat na ni referee Kenny Bayless ang laban sa oras na 2:14 ng round 9.

Samantala, wagi rin si WBC welterweight champion Andre Berto (27-0, 21 KOs) kay Freddy Hernandez (29-2, 20 KOs) nang payukuin ito sa first round.

Sa junior lightweight bout, nagtamo si WBA/IBF super bantamweight champion Celestino Caballero (34-3, 23 KOs) ng ten round split decision loss kay Jason Litzau (28-2, 21 KOs).

Ang 13-1 na underdog na si Litzau ay nakuha ang scores na 97-93 96-94 sa dalawang cards. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply