Pacman magreretiro sa 2013

Nagkasundo na umano ang mag-inang sina Rep. Manny Pacquiao at Aling Dionisia Pacquiao sa pagreretiro ng pound-for-pound king sa larangan ng boxing.

Ito ang kinumpirma ni Pacman matapos ang masinsinang pag-uusap nilang mag-ina dahil na rin sa kahilingan nitong iwanan na ng anak ang boxing career dahil sapat na rin naman ang naipon nila at naka-ukit na ang pangalan ng bansa sa kasaysayan ng mundo.

Sinabi ni Pacquiao na may ilang laban pa siya ngunit hindi niya matiyak kung sino-sino ang mga ito dahil nakadepende naman iyon sa mabubuong deal sa pagitan ng promoter at kampo ng kaniyang makakalaban.

Sa pagtaya ng Pinoy ring icon, tatlong taon pa siyang lalaban o hanggang sa 2013 at pagsapit sa edad na 35 ay magpo-focus na lang siya sa kaniyang ibang mga trabaho.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply