Pacman may 50 solon na ‘cheering squad’

KINUMPIRMA ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na may 50  kongresista ang nagpaalam na tutungo sa Dallas, Texas upang manood ng boksing ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao. Tiniyak ni Belmonte na kanya-kanyang gastos ang mga ito.

“They would spend their own money,” aniya.

Samantala, nabulilyaso naman ang pagtungo ng apat na reporter ng House of Representatives sa Amerika upang manood ng laban ng pound-for-pound champion dahil sa kapalpakan ng mga staff ng kongresista.

Noong nakaraang buwan ay nagpalabunutan ang lahat ng mga reporters na nagko-cover sa Kamara para sa libreng mga tiket mula sa tanggapan ni Pacquiao.

Sasagutin umano ni YACAP Rep. Carol Lopez ang gastos ng mga ito sa accommodation.

Sa media center isinagawa ni Lopez, isa sa mga malalapit na kaibigan ni Pacquiao, ang pa-raffle. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply