Pacman todo bantay rin ng doktor

Todo bantay ngayon si Manny Pacman Pacquiao ng kanyang mga doktor upang masiguro na walang naging kumplikasyon sa utak ang mga naging tama nito sa palitan nila ng malalakas na suntok ng mas malaking si Antonio Margarito.

Bakas na bakas sa itsura ni Pacman pagkatapos ng laro na matindi rin itong naapektuhan ng malalakas na suntok ng higanteng si Margarito.

Dahil sa tindi ng tama, hindi na nagawang makadalo ni Pacman sa kanyang after fight party na naging kaugalian na ng Team Pacquiao kada nananalo ito sa laban.

Ayon sa ulat,  ininda ng todo ni Manny ang pamamaga ng kanyang mga kamao dahil sa pinakawalang mga suntok, tama sa ulo, at sikmura.

Isang oras matapos ang laban ni Manny, agad itong nagpaabiso sa isang press conference na hindi muna siya makikipag-usap sa fans at gusto niyang mamahinga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply