Pacquiao, excited sa muling pagpasok sa Kamara

EXCITED na si Saranggani Congressman Manny “Pacman” Pacquiao para sa kanyang muling pag-upo sa opisina upang magtrabaho sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Pacquiao sa  panayam sa telebisyon sa Umagang Kay Ganda (UKG), marami siyang papeles na dapat asikasuhin.

Binanggit niya na ang anti-trafficking bill at ang pagkakaroon ng provincial hospital sa kanyang lalawigan ang pagpupursigihin niyang maisabatas.

Nagpapasalamat naman si Pacquiao sa paghahanda ng kanyang mga kasamahang kongresista para sa kaniyang pagbabalik matapos ang matagumpay na laban niya kay Antonio Margarito.

Gagawaran si Pacquiao ng Congressional Medal of Distinction ng kaniyang mga kasamahan na susundan ng salu-salo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply