Pacquiao, Margarito pasado na sa timbang para sa laban sa Linggo

NAKAPASA na sina Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao at ang kanyang kalabang si Antonio Margarito sa weigh-in para sa kanilang laban sa Linggo ng umaga (sa Manila) sa Texas.

Ayon sa radio report , tumitimbang si Pacquiao ng 144.6 lbs. habang si Margarito naman ang tumitimbang ng 150 pounds, tamang timbang para sa division.

Ayon kay Pacquiao, bilis ang kanyang bibigyan ng konsentrasyon.“Kailangan mag-focus tayo sa speed. Malaking factor yan; yan ang magiging susi sa tagumpay ko.”
Dagdag pa ni Pacquiao, buo ang kanyang loob kahit pa nasa magandang timbang si Margarito ngayon. Puspusan umano ang ginawa niyang pag-eensayo sa huling dalawang linggo bago ang kanyang laban.

“Basta laban tayo, sa karangalan ng bansa”, ayon pa kay Pacquiao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply