Pacquiao nagpa-checkup sa LA hospital

SUMAILALIM sa magnetic resonance imaging (MRI) test sa Los Angeles hospital si Filipino boxing champ at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao upang ma-examine kung may posibleng pinsalang nangyari sa kanyang katawan sa  laban nila ni Antonio Margarito noong Linggo.
Ayon sa radio report ng dzBB, nakararanas ngayon si Pacquiao ng ilang pagsakit sa katawan  matapos ang naturang laban, ngunit wala namang nakikitang seryosong kondisyon ang pambansang kamao.
Dadaan sa MRI si Pacquiao na gumagamit ng magnetic signals upang makita ang internal human body parts at masigurong walang napinsala sa katawan nito.
Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Rex “Wakee” Salud, nakaranas ng pananakit si Pacquiao sa kanyang kidney area.
Dagdag pa ni Salud, sa ngayon normal naman umano ang resulta ng blood at urine tests ni Pacquiao.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply