Pacquiao panalo kontra Margarito via unanimous decision

MULI na namang nagbigay ng parangal si Manny Pacquiao sa Pilipinas, matapos maanalo at makamit ang seven world titles para sa seven weight divisions.

Dinomina ni Pacquiao ang laban mula Round 1 hanggang Round 12 para makuha ang World Boxing Council (WBC) Super Welterweight title via unanimous decision.

Gaya ng inaasahan, ginamit  ni Pacquiao ang kaniyang bilis at lakas ng suntok para gulpihin ng husto ang mas matangkad at  may mas mahabang kamay na si Margarito.

Walang naging panama ang tangkad ni Margarito nang pinamaga ni Pacquiao ang  mukha nito at halos sumara na ang kanang mata dahil sa kaliwa’t kanang sunud-sunod na mabibilis at malalakas na suntok ng pambansang kamao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply