Pacquiao, tutol sa RH bill at sa condom

NAKAKITA ng kakampi ang Simbahang Katoliko sa pambansang kamao. Ito ay matapos humiwalay ng landas si Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga kapwa niya mambabatas na nagsusulong ng Reproductive Health Bill.

Sa isang press conference nitong Lunes, kung saan iginawad sa politician-boxer ang Congressional Medal of Distinction, tahasang sinabi ni Pacquiao na “against ako sa RH bill.”

“Kasi marami kaming magkakapatid. At kahit sa paggamit ng condom ay hindi ako pabor dito. Kaniya-kaniya naman tayo ng paniniwala at ako ay naniniwala na wala namang nakasulat sa Bible na limitahan natin ang mga anak natin,” paliwanag ni Pacquiao.

Nanawagan din si Pacquiao ng pagtitiis hindi lamang sa panig ng kalalakihan kung di sa kababaihan din sa mga panahong di nararapat magtalik. “Minsan ang mga babae pa ang nangangalabit,” aniya.

Sabi niya, makabubuting pag-usapan ng mag-asawa ang pagpaplano ng pamilya.

Samantala, matapos ang parangal sa kanya sa Kamara, pinasalamatan ni Pacquiao si Pangulong Aquino, ang kaniyang pamilya, mga kasamahang mambabatas, at ang taumbayan.

” Your honor, I am humbled by the honor and award..Sa boxing hindi ako kinakabahan pero dito (plenary) medyo (kinakabahan),” aniya.

Inamin din ng pambansang kamao na nasaktan siya nitong huling laban kay Antonio Margarito.

“Handa ko pong tiisin ang lahat ng sakit alang-alang sa ating bayan. I am proud to be a member of this August chamber, the honor and glory of the country does not come from me alone.” Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply