Pacquiao vs. Berto fight ikinakasa na – Arum

PURSIGIDO na si Top Rank Promotions CEO Bob Arum na maumpisahan na ang negosasyon para sa next fight ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Ayon kay Arum, inaasahan umano niyang magkakaroon ng linaw ang initial deal nila ng Filipino ring icon sa Disyembre 19, kung saan magtutungo ng Pilipinas ang promoter para sa birthday ni Pacman.

Aminado rin ang promoter na nangunguna sa kanyang listahan ng possible opponent ni Pacquiao ay si five-time American champion Shane Mosley kung hindi umano mangyayari ang Floyd Mayweather, Jr. mega-fight.

Bagama’t malakas ang panawagan para sa Pacquiao vs. Juan Manuel Marquez trilogy, pero malabo umanong patulan ni Manny na kasalukuyang welterweight champion ang mas mababang weight division ni Marquez.

Sa kaso umano ni WBC welterweight belt-holder Andre Berto, kailangan pang kausapin ni Arum ang Golden Boy sa magiging deal sa laban.

Posible umanong masisimulan ang negosasyon ngayong linggo para maipresenta na ni Arum ang detalye ng fight plan kay Pacquiao sa kaarawan nito sa Disyembre 17 sa General Santos City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply