Pag-IBIG kinasuhan ng Globe Asiatique

SINAMPAHAN na ng kasong sibil ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp. (GARHC) ang Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG Fund sa Makati Regional Trial Court dahil sa pagbalewala at tuluyang pagkansela sa nakasaad sa kontrata sa nasabing housing agency.

Kabilang sa kinansela ng Pag-IBIG ay ang nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) na sinelyuhan noong July 13, 2009, ang Funding Commitment Agreement (FCA) at Collection Servicing Agreement (CSA).

Sa kasong isinampa ng GARHC sa Makati court, kanilang hiniling sa korte ang pag-atas sa Pag-IBIG na tanggapin ang iniaalok na kapalit na buyers ng kompanya para sa itinuturing na “delinquent borrowers” ng Pag-IBIG, bahagi ng napagkasunduang 5-year buyback guarantee.

Ipinare-release rin ng GARCH sa Pag-IBIG Fund ang naka-pending na collectibles o loan take-outs sa loob ng tatlong buwan mula Hulyo hanggang Oktubre 2010 na nagkakahalaga ng P6.5 million.

Nagsampa ng kaso ang Globe Asiatique laban sa Pag-IBIG makaraang balewalain ng Pag-IBIG ang nais ng GARHC na palitan na lamang ng new buyers ang sinasabing “delinquent buyers” at tumanggap ng bayad ng mga kliyente ng GARHC, na nakasaad naman sa MOA, FCA at CSA.

Nilinaw ng GARHC na kailan man ay hindi nila niloko ang Pag-IBIG Fund at sa halip ay sila pa nga ang naagrabiyado dahil sila ang nawalan sa paggarantiya sa bawat loan take-out sa Xevera Mabalacat at Bacolor projects sa Pampanga.

“We want to clear the notion that we are suing for millions because we want the money.  This is not the case. Our true intention is we want to regain our good name and reputation and fight for our rights,” anang GARHC. (GS)

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply