Pagbabawal sa OFWs tungong Korea itinanggi

HINDI ipinagbabawal ng Malakanyang ang mga OFWs na pupuntang South Korea (SoKor) kahit nagpalabas na ng travel ban ang bansa bunsod ng gulo sa pagitan ng SoKor at North Korea (NoKor).

Ipinagpaliban lamang umano ng gobyerno ang lakad ng may 55 mga overseas Filipino workers (OFW) na nakatakdang bumiyahe patungong South Korea sa susunod na linggo.

Sinabi  ni  Department of Labor and Employment (DoLE) Sec. Rosalinda Baldoz na walang order si Pangulong Benigno Aquino III na suspendihin ang deployment ng mga oFW bunsod ng umiinit na tensyon sa Korean Peninsula.

‘Walang order ang Presidente. Nagkaroon ng recommendation iyong crisis commitee headed by (Foreign Affairs) Sec. Alberto Romulo, kasi may 55 oFw na paalis sana ngayong Nobyembre 30, baka puwedeng madelay lang ng 1 week, habang tinitingnan pa ang sitwasyon doon. It’s a deferment of deployment,” ang diing pahayag ni Sec. Baldoz.

Inihayag naman ni Department of Foreign Affairs spokesman Atty. Ed Malaya, na base na rin sa assesment ng ipinadalang Rapid Response Team sa South Korea, wala pa umanong nakikitang dahilan ang grupo ni Special Envoy Roy Cimatu na itaas ang alert level para sa mga kababayan doon.

“Magkakaroon lamang tayo ng movement sa ating mga kababayan doon, kung maging (alert) level 3 na..Wala po tayong ban or suspension of labor deployment to South Korea. Ang mayroon po tayo ngayon ay temporary deferment,” ang  pahayag ni  Malaya. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply