Pagcor pinasok ng kawatan

HALOS mabasag ang ulo ng isang  security guard sa lakas ng palo ng baril sa ulo makaraang tangkaing manlaban sa mga nanloob sa isang branch ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) e-Games kamakalawa sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya  ang sugatan na si Hernando Bacani, 44, ng Sauyo Rd., Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, nagbabantay ang biktima sa Pagcor e-Games outlet sa Congressional Avenue nang mapuna nito ang apat na suspek na may kahina-hinalang kilos sa labas ng binabantayang tanggapan bandang alas-onse ng gabi. Nabatid na naghinala si Bacani dahil sa kawalan ng  plate number ng motor na nakaparada at dinikitan ng dalawa sa kasamahan nito ang nakaparadang Mercedes Benz.

Dahil dito ipinasyang sitahin ni Bacani ang mga suspek subalit bigla siyang nilapitan sabay palo ng baril sa ulo bago dinis-armahan.

Tinangka pang paputukan ng isa sa mga suspek si Bacani pero hindi pumutok ang baril nito. Tuluyang pinasok na ng mga ito ang gusali at kinuha ang pera sa kahera.  James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply