Paggisa ng mga negosyante sa mga onorabol sa ismagling drama lang

ANO sa palagay ninyo ang magaganap sa paggisa umano ng mga negosyante sa mga onorabol sa isang summit miting kon-tra sa ismagling?

Gaganapin ang miting  sa Nobyembre 19 sa isang otel sa Kamaynilaan.

Kabilang umano sa mga igigisa sa kuwestiyon en anser sina PNoy, Manong Johnny sa Senado, mga bosing sa Bureaus of Internal Revenue at Customs, ilang senador, kongresman at iba pa.

oOo

Isa sa mga ipamumukha, este, ihaharap ng mga negosyante sa mga onorabol ang rekord ng International Monetary Fund na sa mga taong 2002-2007, umabot ang halaga ng importasyon mula sa iba’t ibang bansa sa halagang $284.7 bilyon pero sa rekord ng Bureau of Customs, $195.01B lang ang dumating o nasa $14.6B taon-taon.

Kapag kuwentahim umano ang tagas sa koleksyon ng BOC batay sa 12% expanded value added tax at 5% taripa o buwis sa importasyon, nagkakahalaga taon-taon ng P127B.

Aba, kalahati ito ng inaasahang taon-taong koleksyon ng BOC. Grabe kung tumirada ang mga ismagler.

oOo

Walang nakaaalam, Suki, kung paano sasagutin ng mga onorabol ang mga tanong ukol sa rekord ng IMF.

Napakalaki pala ang halaga ng mga ipinapapasok na kalakal sa repablik ni Juan pero kokonti lang ang nag-aapir sa rekord ng BOC.

Op kors, redi meyd tiyak ang sagot: ang mga ismagler ang may kagagawan at hindi ipinararaan sa mga pier na may BOC ang lahat ng mga kalakal?

Ito’y dahil sa 7,100 isla na meron tayo at  pupuwedeng mag-ismagel ang ismagler enywer?

Pupuwede na rin pero hindi ba ang mga shabu at cocaine lang yata ang ginaganun?

Ah meron nga palang mga ismagler na gerilya.

Sinasalubong ng mga ismagler na ito ang mga nakahimpil na barko sa gitna ng dagat saka ipinapasok dito ang mga kontrabando.

Kapag naipasok na ang kontrabando rito, pulis ang pinaeeskort sa mga ito patungo sa mga bodega at tindahan.

Kahit pa mula sa probinsiya hanggang sa Kamaynilaan ang biyahe.

Hagisan mo lang naman kasi ng barya ang mga nag-tse-checkpoint at nangongotong, ayos na sila?

At sila ang may kagagawan sa nagkaloko-loko na rekord ng IMF at BOC?

oOo

Ah meron nga palang mga antatsabol na ismagler, lalo na ang mga may kapangyarihang magpapabagsak ng kung sinomang nakaupo sa Palasyo, by hook or by crook.

Manalo ka man o hindi sa halalan, kaya ka nilang bunutin sa iyong trono at itapon sa kangkungan, Suki, sa pa-mamagitan ng kanilang mga salapi.  Bigtaym kasi sila.

Hindi kaya ang mga ito ang may kagagawan sa ikinalulugi nang husto ng pamaha-laan sa taripa at buwis?

Ang mga ismagler na ito ang nagpapapasok ng mga naglalakihang container van na dumaraan mismo sa mata ng BOC.

Subalit, laging may kasab-wat ang mga ito, Suki, na higit ding makapangyarihan kaysa mga ismagler.

Ang mga kasabwat na ito ang nangingikil sa mga negosyante ng milyon-milyong piso bawat isa tuwing darating ang halalan at hindi makatatanggi ang mga ito hanggang sa “mapuwersang silang mag-ismagel” para lamang makabawi sa pagkalugi. Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply