Paghihigpit sa PTC, aprubado ni PNoy

APRUBADO ni Pangulong Benigno Aquino III ang paghihigpit ng Philippine National Police hinggil sa pagkuha ng Permit To Carry sa ilang mga sibilyan na may hawak na baril sa bansa upang maprotektahan ang seguridad sa bawat indibidwal na kukuha nito.

Ayon sa bagong direktiba ni Police Director General Raul  Bacalzo, kanilang susuriin ang bawat kukuha ng PTC at kahit ilan ang baril ay iisa lamang ang puwedeng dalhin.

Sinabi ni Firearms and Expolisive Division FED Chief Supt. Napoleon Estilles ang paghihigpit na ipinatutupad ng PNP ay batay sa bawat sibilyan na pumasa sa mga requirements na kahilingan ng ahensiya.

Posibleng bigyan  ng lisensiya at PTC ang isang may baril na may sapat na kapabilidad sa pag-iisip, maayos na katawan at dumaan sa seminar hinggil sa paghawak ng baril.

Kaugnay nito, posibleng magkaroon muli ng gun amnesty ang PNP upang mabigyan nang pagkakataonn ang sinumang may hawak na baril na walang lisensiya o kaya ay loose firearms upang maiparehistro sa FED.

Ayon pa sa ulat ng PNP, lalong dumarami ang mga iligal na baril sa bansa partikular sa iba’t ibang probinsiya partikular sa Mindanao kung saan may pinakamaraming baril na hindi naka rehistro sa Camp Crame. Gaynor Bonilla

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply