Paghingi ng X’mas gift sa pasahero bawal na

PINAALALAHANAN na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga tauhan nito na bawal manghingi ng pamasko sa mga pasahero, balikbayan at turistang dumarating sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni MIAA Gen. Manager Angel Hondrado, na ang Pasko ay hindi tungkol sa panghihingi ng mga regalo kundi ang pagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpaparamdam o pag-awit ng kantang pamasko o ang paghingi ng regalo sa mga pasahero.

Sa kabila nito, iginiit ni Hondrado na hindi naman nito pagbabawalan ang pagtanggap ng regalo mula sa pasahero o sinumang nagkukusang loob na magbigay ng pamasko na hindi galing sa panghihingi. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply