Pagkatapos kay Margarito ano kaya ang susunod?

HINDI pa tapos ang boxing para kay Cong. Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Lalo na sa parte ng mamamayan. Ang inaasam-asam nilang laban ay sa pagitan nina Pacman at Floyd Mayweather Jr.

Para sa atin, hindi na pupuwede ang mga rematch sa kahit kanino sa mga higanteng nakalaban ng ating kampiyon. Wala nang ganang manood ang mamamayan sa labang Pacman versus Joshua Clottey, Pacman vs. Miguel Cotto at Pacman vs. Antonio Margarito.

Kung may laban mang ganito, pera-pera na lang. At ang lalabas na gustong magkaroon ng salapi ay si Pacman at hindi ang tatlong nabanggit. Nakahihiya na ang ganitong sitwasyon para kay Pacman. At nakadududa rin para sa mamamayan.

Sakaling makapag-isip-isip ang mag-amang Mayweather, ang Pacman vs. Mayweather ang ultimatum na laban.
Dahil higit na usapin na ito ng dangal, bukod pa sa salapi rin siyempre.

Sa tindi na panlalait ng mag-amang yan kay Pacman, may dahilan para maghanda nang husto si Pacman at tiyak namang mag-aabang diyan ang lahat.

Hindi naman natin alam kung tatanggapin ni Pacman ang hamon ni Shane Mosley na tumalo kay Margarito.
Nilaglag naman si Mosley ni Mayweather.

Pupuwede ring magandang laban ito kung magpapatuloy si Mayweather na iiwas sa kamao ni Pacman. Come what may, Pacman.

oOo

Pero sa dalang kasikatan ni kongresman, hanggang saan ang aabutin nitong kapalaran? Hindi kasi ordinaryong boksingero ang pambansang kamao at kamao ng bayan. Habang palaki na palaki nang palaki kasi ito, lumalaki rin ang kanyang ambisyon.

Tingnan ninyo.

Mula sa boksing sa sagingan, nagtuloy siyang makiboksing nang tunay hanggang sa makarating siya bilang pipitsuging boksingero sa Metro Manila. Nagkampiyon siya sa mga internasyonal na laban hanggang sa maging kongresman siya.

Pumalpak nga lang siya sa  petite Congresman na si Darlene Custodio. Malambot ang puso niya kapag chicks ang kalaban niya kaya siya umiikot mula sa General Santos City sa Saranggani na higanteng mga pulitiko ang kanyang nakalaban.

Ano nga ba ang kinabukasan nag-aantay kay Pacman bukod sa pagiging boksingero at kongresman?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply