Pagpabor ni Pope sa condom ikinatuwa ni Lagman

Ikinatuwa ng isang mambabatas na reproductive health bill advocate ang pahayag ni Pope Benedict XVI nitong Linggo na okay lang na gumamit ng condoms ang mga HIV-infected male prostitutes para iwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, awtor ng reproductive health bill o House Bill 96, ang pahayag na ito ng Santo Papa ay nakatulong para mapahina ang oposisyon ng Simbahang Katoliko laban sa RH bill.

Sa obserbasyon ng mambabatas na ang pahayag na ito ng Papa ay isang paglayo o departure mula sa strikto at sobrang konserbatibong pananaw ng Simbahan sa paggamit ng contraception.

“That is a welcome development because the papacy is opening up to the eventual contraceptive use. Once you have opened up and made an exception, the liberalization of the Church outlook has started. And we’d expect further liberalization. He has made an exception, then more exception would be forthcoming,” ani Lagman.

Inihayag ng Papa na ang mga HIV-carrying male prostitutes ay maaaring gumamit ng condom bilang unang hakbang sa moral responsibility na makapanghawa ng iba subalit iginiit na hindi ito ang “real or moral solution.”

Sinabi pa ni Pope Benedict na ang posisyon ng Simabahan ay abstinence at marital fidelity para makaiwas sa HIV.

“That impacts on weakening the Church opposition, because that opens an exception to the Church tenets against contraceptive use,” ayon naman kay Lagman.

Nakatakdang dinggin ng House committee on population and family relations ang HB 96 and at iba pang kahalintulad na panukalang batas bukas (Miyerkules).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply