Pagpataw ng parusa sa mga bus company tiniyak ng DOTC

Tiniyak ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na parurusahan ang mga bus company na lumahok sa tigil-pasada noong Lunes na nagdulot ng hirap na pagsakay ng mga libu-libong pasahero.

Ayon kay  Transportation and Communications Secretary Jose de Jesus sa panayam sa DZMM, may tutuluyan silang mga bus company at hindi lamang ito banta.

Ipatatawag aniya nila sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng bus company na lumahok sa tigil-pasada para magpaliwanag.

Dagdag pa ng Kalihim, bukod sa multa at suspensyon ng prangkisa, maaari ring tuluyang makansela ang prangkisa ng bus company bilang maximum penalty.

Nilinaw din ni De Jesus na matamang pinag-aaralan ng DOTC na gawing swelduhan ang mga bus driver at hindi porsyentuhan upang hindi nag-uunahan ang mga ito sa pagsasakay ng mga pasahero na nagiging sanhi ng mga aksidente at pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Inihayag pa ni De Jesus na plano ng DOTC na isulong ang single-dispatching scheme kung saan hindi sabay-sabay na ididispatsa ang mga bus para hindi sila magsiksikan sa kalsada at mas lalaki pa ang kanilang kita.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply