Pagpiyansa ni Ampatuan ikinadismaya ng pamilya ng mga biktima

HINDI nagustuhan ng pamilya ng biktima ng Maguindanao Massacre ang pagpabor ng korte sa kahilingan ng principal suspect na si Andal Ampatuan Jr., na makapagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan  kaugnay sa kaso nito.

Dismayado ang pamilya ng mga biktima makaraang paboran ng korte ang kahilingan ni Ampatuan na nahaharap sa patung-patong na kasong murder para makapagpiyansa at pansamantalang makalaya.

Bagama’t patuloy na itinuturo ng mga testigo ang partisipasyon sa karumal-dumal na pagpaslang sa 57 sibilyan, iginiit ng nakababatang Ampatuan na hindi naman matindi ang ebidensiya sa kanya na nag-uugnay sa masaker.

Sa dalawang pahinang kautusan, inatasan ni Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pag-consolidate sa bail hearing ni Andal  sa mga kaso na may kinalaman sa Maguindanao Massacre. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply