Pagreresign ni DOT Usec Romano, sinaluduhan

SINALUDUHAN ng mga miyembro ng minorya sa Kamara nitong Miyerkules ang ginawang pagbibitiw ni Department of Tourism Undersecretary Vicente Romano matapos batikusin ang palpak na slogan ng DOT na “Pilipinas Kay Ganda.”

Sa lingguhang press conference, sinabi ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez na kahanga-hanga ang ginawa ni Romano dahil hindi na nito inilagay pa sa mahirap na sitwasyon ang administrasyon.

“A simple public apology na ginawa niyang pattern ang Polish logo at naging inspirasyon (would have been enough). Subalit nag-resign na lang siya. Hinahangaan ko ang ginawa niyang pagkilala sa kaniyang pagkakamali,” pagdidiin pa ni Suarez.

Ngunit ayon kay House Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, hindi si Romano kundi si DOT Secretary Albert Lim ang dapat na magbitiw.

“I think it is not Usec Romano who should resign, I think it is Secretary Lim… We all know that this things would not have been launched if Secretary Lim did not make a go signal to launch them,” ani Magsaysay.

Sinabi pa ng kongresista na pagkakamali rin ni Presidente Benigno Aquino III ang pagtatalaga sa mga kuwalipikado at de-kalidad na opisyal sa mga pwestong di akma sa kanila.

“There were instances in the past that shown that Secretary Lim was not competent (to become) Tourism secretary,” ani Magsaysay.

Sinabi naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo na ang resignation ni Romano ay “expression of public sensitivity.”

“(It) has raised the level of decency, propriety, and accountability that any public official should bear to mind,” aniya.

Samantala, Inamin ni presidential spokesman Edwin Lacierda na nag-aalangan ang Pangulong tanggapin ang resignation letter ni Romano.

Aniya, inamin ni Romano ang kanyang pagkakamali at kahanga-hanga ang kanyang ginawa dahilan upang makuha nito ang respeto ng Pangulo at ng ilang taga-gobyerno.

“It was honorable of him to offer his resignation and the President respects him for his act. And it is with reluctance that the President accepted his resignation,” ani Lacierda.

Sinabi ni Romano na kusang loob siyang nagbitiw sa kanyang puwesto.

Aniya, noong isang linggo pa lamang pagputok ng kontrobersya ay nag-sorry na siya at nag-alok ng resignation kay Lim.

Binigyang diin ni Romano na unfair kina Lim at Aquino na makaladkad sa kontrobersya gayong siya naman ang responsable rito. Melissa Maluntag, Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply