Pagsabog sa public terminal ng Cotabato, 3 sugatan

TATLO ang sugatan makaraang sumabog ang isang  Improvised Explosive Device (IED) sa  public terminal sa Carmen, North Cotabato, Lunes ng umaga.

Ayon kay Insp. Joyce Birrey, North Cotabato Police Provincial Office information officer, sumabog ang IED bandang 10:40 a.m. sa loob mismo ng Carmen Public Terminal.

Agad namang sinugod sa pinakamalapit na hospital ang mga biktima  sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon pa kay Birrey, naganap ang pagsabog makaraang maging abala ang mga pulis sa pagbabantay sa seguridad sa foundation day festivities sa town proper ng naturang lugar.

“We are still conducting investigation on the motive and the kind of explosive used,” dagdag ni Birrey.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang 62nd Ordnance and Disposal Team hinggil sa naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply