Pagsibak ng PAL sa 3,000 empleyado, final at executory

HINDI muna maipatutupad ang desisyon at mananatiling status quo ang desisyon sa pagsibak sa mahigit na 3,000 empleyado ng Philippine Air Lines (PAL) sakaling makakuha ng Temporary Retraining Order (TRO).

Sa kasalukuyan, final and executory na ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kumakatig sa naunang desisyon, na pagsibak sa mga empleyado ng PAL pagkatapos ng 10 araw mula matanggap ng panig ng PAL management at panig ng mga empleyado.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na sa loob ng nasabing panahon, may opsiyon ang magkabilang panig na gumawa ng aksyon depende sa magiging pagtingin sa  desisyon tulad nang pag-apela sa korte.

Kung makakukuha ng TRO sa korte ang panig na nais umapela, hindi muna maipatutupad ang desisyon at mananatili ang status quo.

Kinondena naman ni Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) Vice-President Andy Ortega ang pagpabor ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Philippine Airlines (PAL) Management hinggil sa mass lay-off ng mga empleyado nito.

Batay sa DOLE Order noong ika-29 ng Oktubre naniniwala si Labor Secretary Rosalinda Baldoz na sapat na batayan ang flag-carrier na sibakin ang may 3,000 empleyado ng inflight catering, airport services at call center reservation operations nito.

Paliwanag ng PAL Management, ito ay kinakailangan para magkaroon ng re-organisasyon sa kanilang operasyon at makabawi sa malaking pagkalugi.

Ayon pa kay Ortega, wala siyang nakikitang basehan para alisin ang ilang serbisyo ng PAL lalo pa’t mahalaga itong dibisyon para maayos na mapagsilbihan ang publiko.

Samantala, suportado naman ng FASAP ang ikakasang kilos protesta ng PAL Employees’ Association (PALEA) sa Labor Department para kastiguhin ang hindi makatarungang desisyon ng ahensya at ang pagpapasaklolo nito sa korte. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply