PAL handa sa paglikas ng mga Pinoy sa Korea

HANDA ang Philippine Airlines para sa emergency flights na maglilikas sa mga Pinoy sa Korea kung mas magiging matindi ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea.

Tinalakay ng mga opisyales ng PAL sa Department of Foreign Affairs (DFA) na handa sila sa paglilikas sa mga Pinoy sa Korea.

“We informed Executive Secretary Paquito Ochoa that PAL has available aircraft that it can use for emergency flights to repatriate Filipinos who might be trapped in the dispute between North and South Korea,” ayon kay PAL president at COO Jaime J. Bautista.

“We want to assure the government and our ‘kababayans’ in South Korea that the national flag carrier is always ready to assist in times of emergency and lend a helping hand in their hour of need,” dagdag pa nito.

Inalam na rin ng gobyerno at ng PAL ang mga ligtas na lugar sa South Korea na maaaring pagkuhaan sa mga Filipino kung kinakailangan na ng mga itong bumalik sa Pilipinas.

“We fervently hope that the conflict in Korea would soon end, but we can’t take things for granted. That’s why we have thrown our full cooperation and support to government in case of a worst case scenario,” dagdag pa ni Bautista.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply