Pasalamat palagi kay Lord – Pacquiao

HINIMOK ni world Boxing champion Manny Pacquiao ang mga mananampalatayang kristiyano na palagiing magpasalamat sa  Diyos sa lahat ng kanilang tinatamong grasya sa araw-araw.

Ang pahayag ng pambansang kamao ay matapos ang pagdalo niya sa ginanap na misa sa Simbahan ng Quiapo na lagi niyang tinutungo sa tuwing matatapos ang pakikipagbakbakan sa lona.

Matapos ang misa, si Pacquiao ay binigyang pagkakataon ng kura paroko na magbigay ng mensahe sa mga debotong nakinig ng misa.

Sa kanyang maiklling talumpati, ipinagmalaki ng 8-world boxing title holder na kaya siya nagtatagumpay ay hindi niya nakakalimutang manalangin at magpasalamat sa Diyos.

Sabi ni Pacman, hindi raw dapat hingi na lamang nang hingi sa Diyos dahil kinakailangan pa rin na pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng biyaya na ipinagkakaloob.

Magugunitang bahagi ng preparasyon ni Pacquiao sa paglaban ay ang pagsisimba kung saan bago siya humarap sa katunggali ay umuusal muna ng maikling panalangin.

Dahil sa dami ng mga tagahanga at mga dumadalo sa misa, todo higpit ang seguridad kay Pacman.

Pagkatapos ng misa ay dumiretso ang pound-for-pound king congressman sa Malacañang upang mag-courtesy call kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply