Palasyo kwidaw sa lovelife ni PNoy

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na ibalato na lamang kay Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang lovelife.

Ito’y matapos na pumutok ang balitang hiwalay na ang magkasintahang Pangulong Aquino at ang kanyang personal stylist na si Liz Uy.

“Si Pangulo (Aquino), ang matagal na niyang apela ay ibalato na lang sa kanya yung kakaunti at kakatiting niyang pribadong buhay.. I think yun lang naman po lagi ..pagdating sa pangulo yun lang po ang hinihiling nya.. ibalato na lamang ..na itago na lamang sa kanya.. hindi naman po madalas humiling si Pangulong Aquino sa atin,” ang pakiusap ni Deputy Presidential spokesman Atty. Abigail Valte.

Kung matatandaan, naging tahimik din ang Punong Ehekutibo ng magkahiwalay sila ng kanyang dating kasintahan na si  Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Sa ulat, sa maiksing text message ni Aquino nang tanungin kung ano ang “latest” sa kanila ni Uy, tugon ng pangulo, “Sorry, di tayo showbiz.”

Nauna nang sinabi ng 50-anyos na si Aquino na nais niyang maging pribado ang mga bagay tungkol sa personal niyang buhay — kasama na ang tungkol sa pag-ibig. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply