Palasyo nakiusap sa MILF

NAKIUSAP ang Malakanyang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na huwag ituloy ang banta nitong bumitiw sa usapang pangkapayapaan kapag iginiit ng pamahalaan ang pag-alis kay Othman Abdul Razak bilang  kinatawan ng Malaysian government.

Ayon kay National Security Adviser Cesar Garcia, kailangang alalahanin ng MILF na ang peace process ay para sa kapakinabangan ng buong sambayanang Pilipino, kabilang ang mga Muslim sa Mindanao sa iba pang lugar sa bansa.

Aniya, maging bukas sana ang isipan ng MILF at hayaang umusad ang peace talks sa kabila ng problema ukol sa facilitator.

“The peace process is very much to their own benefit as it is to the benefit of the rest of the Filipino people. I hope they see it that way,” sabi ni Garcia. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply